No, the pieces of advice offered below to letter-writers who shared their concerns are not from Lucy Van Pelt. They're from Ate Ami, Tapat's advice columnist. Sound advice can go a long way so I'm sharing these -- we learn from the experience of others, after all, and that goes for advice pertaining to other people's problems, too.
Most of the text is in my native tongue of Filipino but how about giving the blog translator on the sidebar a try? Better yet, get a friend who understands Filipino to translate the following for you so you'll get to read the concerns and advice for a porn star wannabe, a teenaged daughter who feels suffocated by her dad's ways, and a guy who's intimidated by his rival for a lady's heart.
* * * * *
Dear Ate Ami,
Nalaman ko po sa kaibigan ko na pwedeng humingi sa inyo ng advice. I’m 27 and I’m a graphic designer. May kapatid ako (“Bea”) at ang pangarap niya ay lumabas sa FHM magazine. Alam kong tinatawag itong malaswang magazine pero dream na niya dati pa na maging model doon, kaya sinuporta ko siya. Anyway, dahil sa isang conversation namin ng isang kaibigan, na-konsensiya ako tungkol dito kaya nagpunta ako sa isang pari for spiritual advice. Marami siyang sinabi pero ang nakaka-bother sa akin ay yung sabi niyang bilang Ate, responsibilidad kong i-guide si Bea, hindi i-misguide tulad daw ng ginagawa kong pag-suporta sa pangarap na hindi disente. By the way, above 18 na ang kapatid ko. Anyway, undecided ako tungkol dito kasi of age na si Bea so she can decide on her own. I’m just supporting her as her big sister and appearing in this magazine can really open doors for her. At the same time, isang lesson na tinuro ko sa kanya ay to pursue her dreams and believe in herself no matter how others put her down. Hirap lang akong i-reconcile ang advice ko sa kanya at pakikinig sa sinabi ng pari. I hope you can help me out with your own advice. – Swirl Girl
Naku, Swirl Girl, ikaw ang nangangailangan ng guidance, in the first place, kaya take a hint from circumstances, iniimbitahan ka ng Panginoon na tahakin ang … ehem, daang maliwanag, hindi lamang matuwid. The fact that nakonsiyensiya ka ng conversation mo with a friend, and you approached a priest for guidance, are already signs that the Lord is extending His hand to you—so that you can in turn extend your hand to others, like Bea.
Read the whole thing at Pangarap niyang maging porn star?
And now, from a young woman who feels suffocated by her dad's overprotective nature...
Dear Ate Ami,
Ano po ba gagawin ko tungkol sa tatay ko? Pinakikialaman po niya ako lagi, kung anong ginagawa ko, kung nag-aral na ba raw ako, kung sino mga kasama ko kapag may lakad kami ng barkada eh kakain lang naman po kami o kaya manonood ng basketbol sa barangay. Pati gamit ko po ay minsan hinalungkat niya. Ako lang naman po ang ginaganun niya, sabi ng mga kapatid ko dahil daw ako ang lapitin ng mga boys sa amin. Hindi naman po ako maarte at wala po akong ginagawang masama. Pinakaokey pong kasama barkada ko at puro kami babae. Pero nasasakal na ako sa kakabantay ng tatay ko, hindi na po ako bata. Ako po’y 19, taking up commerce.
- Beng
Dear Beng,
Una, huwag kang mainis. Tatay mo yan eh, me karapatang makialam kahit 19 ka na, pagka’t nasa poder ka pa niya. Natural lamang sa magulang ang “makialam”, pagka’t sa kanila, hindi pakikialam iyon kungdi “pag-aalaga.”
Read the whole thing at Walang humpay magbantay si Itay
And a young man in a not-so-unusual situation of feeling like he's second-best to a rival for the affections of the lady of his dreams...
Dear Ate Ami,
Ako po ay 26 years old at in love sa kaibigan ko. Siya ay isang high school teacher, at maganda po siya at mabait. Mga limang buwan na mula nung nagtapat ako sa kanya tungkol sa kagustuhan kong maging gf ko siya, at sinabi kong ang plano ko balang araw ay pakasalan siya. Dito rin po siya nakatira sa may amin at nung 2007 po kami nagkakilala (pero may bf po siya noon).
Paano ko po ba maipapakita sa kanyang mahal na mahal ko siya at malinis ang aking hangarin? Sigurado na po akong siya ang gusto kong maging kasama habang buhay kaya nagtatrabaho ako nang mabuti para maging handa akong bigyan siya at ang magiging pamilya namin ng magandang kinabukasan (network administration po ang linya ko). Pero kabado ako dahil may isa pa siyang manliligaw. Kahit ayaw kong aminin, parang mas angat po siya kaysa sa akin. Ang laking tuwa ko po siguro kung mawawala na lang sana siya! Pero tanggap ko na pong siya ang karibal ko, so mayroon po ba kayong maipapayo para lumakas ang loob ko kahit na pwedeng sa ibang lalaki mapunta ang minamahal ko? At para mapasaakin ang minamahal ko dahil mahal na mahal ko talaga siya. - Romy
Hay naku, Romy, naduduling ka na yata sa pagkahumaling diyan sa “mahal” mo. Wala ka namang gasinong sinabi tungkol sa kanya except that “maganda siya at mabait”. So what? Ang ganda ay madaling makita ng mga mata, pero ang kabaitan, sinusubok iyan ng panahon. Paano mo nasabing “mabait” siya—nakita mo na ba siyang magalit? Ano ang mga ikinagagalit niya? How does she behave when she’s angry? Isa pa lang iyan. Ikalawa, paano siyang gumalang sa mga magulang niya? Masunurin ba siya o pasaway? Kapag napapagsabihan siya ng mga magulang, paano siya nangangatuwiran? O tumatahimik na lang ba siya pero gagawin din niya ang ipinagbabawal ng mga magulang niya? Pero dumako muna tayo sa tunay na problema mo.
Read the whole thing at Kabadong manliligaw
4 comments:
I want to meet ate Ami someday. :)
Sure ba :-) I know her personally. Let's arrange it sometime.
O ano, magsulat ka naman sa kanya ng problema -- either your own or that of a friend/relative/acquaintance :-)
wow sige. marami akong friend na may problema. ilan ba ang kailangan. hehehe :)
The more, the manyer! Hehe. Sige, basta isulat mo lang para naman matulungan din ang friends mo sa kanilang concerns. Thank you!
Post a Comment